Ano na ang narating ng Malunggay Products – katanungan ni Marc

Ano na ang narating ng Malunggay Products? Ito ang katanungan sa panayam na ginawa sa akin ngayong May 10, 2011 ni Marc Logan ng ABS CBN, sa aking palagay ay malayo-layo na ang aming narating. Kasali kme sa Interntional Food Exhibition (IFEX) na gaganapin ngayong MAy 12-14 sa SMX Convention Center. May mga imbitasyon na rin katulad sa SM Taytay, Antipolo City ng Local Government, World Trade Center Food Exhibit at member ng (OPTA) Organic Producers Traders Association. May mga testimonials sa mga tumatangkilik ng aming produkto na ito ay nakakabuti sa kanilang kalusugan. Ang balbas pusa na nasa kape na may kasamang malunggay ay nakakapagpaganda ng pag-ihi. May mga claims na naiiwasan ang pananakit ng mga kasu-kasuan dahil sa rayuma sa pamamagitan ng pag-inom ng Turmeric Tea, kasama pa dito ang mga may diabetes na bumababa ang kanilang sugar. Ang sambong, tanglad, luyang dilaw, oregano ang mga sangkap ng aming produkto. Ang malunggay products ay tinatangkilik na sa iba’t-ibang lugar, hindi man ganoon kalay ang aming narating pero naka-usod na kami sa aming dating kinalalagyan. Nagpapasalamat ako kay Marc Logan na unang nakapansin sa PINK BARANGAY, sinundan ng Rated K, Umagang Kay Ganda at sa iba’t-iba pang TV station, sa mga local media dito sa lalawigan ng Batangas, sa UP Los BaƱos, Bureau of Plant and Industry Manila, DOST, DTI, Food Tech, Provincial Government at Provincial Tourism na tumulong upang maibahagi ang aming kakayanan na makakatulong sa kalusugan ng ating mamamayan.

[nggallery id=2]

This entry was posted in News, Products. Bookmark the permalink.

Leave a Reply